Batman ng Maynila (2) at mga protektor ng kotong

ITULOY natin ang pagtalakay sa Batman ng Maynila at mga protektor ng kotong at mga nangongotong na ring mga pulis ni Philippine National Police chief Nick Bartolome.

P65,000 a week ang ibinibigay ni Police Officer 2 Joy Rosario kay Police Station 5 Commander P/Superintendent Bernal at P50,000 a week naman ang tinatanggap ni Police Station 6 Commander  Layug mula kay Senior Police Officer I Ruel Robles.

Si Police Station 7 Commander  P/Supt. Barlam  ay  nakatatanggap naman ng halagang P70,000 kada linggo mula sa kanyang mga collector na sina SPOI Erick Zhornack at SPO4 Arnold Sandoval.

Si P/Supt. Tiu ng Police Station 8 ay barya-barya lamang ang tinatanggap mula kay  PO3 Tatco (P40,000)  gayundin sina Station 9 Commander, P/Supt. Arevalo, na halagang P35,000 lamang ang tinatanggap kada linggo mula kay PO3 Michael Quiambao.

Halagang P40,000 din ang ibinibigay ni SPOI Dino Ventura sa kanyang boss na si Police Station 10 Commander, P/Supt. Mariano at tumataginting namang P150,000 kada linggo ang ibinibigay umano ni PO2 Blanco kay P/Supt. Quirante ng Police Station 11.

Hindi natin masisisi kung bakit nag papakolekta ang mga station commander sa kanilang  nasasakupan dahil sila ay tinotokahan din ng mga matataas na opisyal mula sa Manila Police Department Headquarter na tinotokahan din ng mga opisyal mula sa National Capital Region Police Office at Kampo Crame.

Sabagay, hindi lang naman sa MPD may ganitong kalakaran kundi sa lahat ng mga police station ay hindi mawawala ang tong collection.

May magawa kayang pagbabago sa Tong collection o dili kaya ay mapahinto kaya ng bagong PNP Chief ang ganitong bulok na kalakaran?

At  para naman sa mga  tong collector ng mga  opisyal ng PNP, huwag naman sana silang masyadong garapal  sa pangongolekta.

Kawawa naman ang maliliit.

Okay lang sa mga big time na gambling lord.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply