Batman ng Maynila at mga protektor ng kotong

DAPAT sigurong makilala ng ating magiting na bagong Philippine National Police Director Nicanor Bartolome, ang mga tinaguriang “Batman” ng Maynila at mga protektor ng kotong.

Sa palagay ko, ilan sa mga ito ay kilala na ng ating bagong PNP Chief dahil ang mga batman na ito ang namamayagpag noong NCRPO Director pa itong si PNP Chief Nick Bartolome.

Iisa-isahin ng Lily’s Files ang mga batman mula sa Office of the District Director (ODD) ng Manila Police District (MPD) hanggang sa 12 presinto at iba pang mga unit.

Sa ibinigay na dokumento ng ating sources sa inyong lingkod ay malulula kayo sa laki ng tinatanggap ng mga opisyal mula sa kanilang mga batman.

Sa tanggapan ni MPD Director Chief Supt. Rongavilla, ay tumataginting na P350,000 a week  daw ang ibinibigay ng kanilang batman o tong kolektor na si Ver Navarro.

Wow, sarap naman, kaya pala pinag-aagawan ng mga matataas na opisyal ng PNP ang Manila dahil milyon ang tinatanggap sa loob ng isang buwan puwera pa ang suweldo.

Ito po ang listahan ng mga batman ng 12 presinto ng PNP pati na rin kung magkano ang kanilang ibinibigay sa station commander lingo-linggo.

Ang hepe ng Police Station 1 sa Tondo na si P/Supt. Marcos, ay nakatatanggap umano ng halagang P60,000 a week mula sa kanyang “batman” na si PO2 Juano at ang OIC ng Police Station 2 na si Chief Insp. Rudy Fajardo, ay tumatanggap ng P140,000 a week mula kay  PO2 Clyde Villareal.

P120,000 a week naman ang ibinibigay ni PO3 Mike Pornillos kay Police Station 3 Commander Supt. Afalla samantalang ang hepe ng Police Station 4 na si P/Supt. Modequillo ay binibigyan naman ng P70,000 a week ng kanyang mga collector na sina Insp. Brend Macapaz at PO2 Joey Palma.

oOo

Congratulations sa Novaliches Police Station 4 ng Quezon City Police District (QCPD) na nanalong over all champion sa ginanap na Chief Supt. George Regis Shoot Fest.

Sa  pamumuno ni PS4-Commander Supt. Marcelino Pedrozo at sa kanyang mga miyembro ng  shooting fest na sina PO3 Jomar Manalo, PO3 Cesar Collado at PO3 Supronio Rivera ay nakuha nila ang inaasam-asam ng ibang pulis ng QCPD.

Congratulations, mga sir at salamat sa suporta sa Lily’s Files Column. (Itutuloy)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply