Bawas oras sa trabaho ng mga buntis isinusulong

ISINUSULONG na ang isang panukala ni Palawan 2nd District Board Member Ernesto Llacuna sa Sangguniang Panlalawigan ng Palawan ang pagbabawas ng oras sa trabaho ng mga manggagawang buntis.

Ayon sa panukala ng ni Llacuna, nais nitong mabigyan ng pagkakataon ang mga manggagawang buntis sa mga pampubliko o pribado mang tanggapan at kompanya na magkaroon ng sapat na pahinga sa panahong ang mga ito ay nagdadalantao.

Dahil ayon pa kay BM LLacuna ang sobrang stress at pagod sa trabaho ay maaaring makaapekto sa kalusugan ng batang dinadala ng isang buntis sa kanyang sinapupunan at maaaring ding magdulot ito ng hindi maganda sa kalusugan ng isang buntis.

Ani Llacuna, ang mga kababaihan ang may pinakamalaking grupo ng mga manggagawa sa buong bansa kaya nararapat lamang na mabigyan ito ng karapatang tulad nito.

Ang hakbang na ito ni  Llacuna ay bilang pagsuporta na rin sa House Bill No. 5031 na ini-akda ni Bacolod Representative Anthony Rolando T. Golez, Jr. na may kaparehong layunin. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply