Bayaw ng ASG founder naaresto

NASAKOTE ng mga awtoridad ang sinasabing bayaw ni ABU Sayyaf founder Abdurajak Janjalani sa Lamitan City, Basilan, kanina (Biyernes, Setyembre 9).

Kinilala ang naaresto na si Jal Idris, may alyas na Jahari Idris at isa rin sa hard-core member ng Abu Sayyaf.

Ayon kay Task Force Basilan Commander, Colonel Alexander Macario, nadakip si Idris sa Barangay Tandu Ahas sa Lamitan City sa bisa ng warrant of arrest.

Sinabi ni Macario na inilunsad nila ang operasyon laban kay Idris kasunod ng impormasyon na nagtatago ito sa naturang lugar.

Patuloy naman ang imbestigasyon laban sa bandido.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply