Bebot dinukot at pinatay ng dating dyowa

DEAD ON ARRIVAL sa ospital ang isang dalaga matapos na dukutin ito ng umano’y dating nobyo at pagsasaksakin bago itinapon nang matunugan na hinahabol sila ng mga pulis Lunes ng gabi (Setyembre 13) sa Cotabato City, sa ulat ng pulisya ngayon, Martes.

Sa impormasyong ibinahagi ni PNP P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr. bandang alas-8:40 ng gabi ng tangayin ang biktima na si Samirah Giwan, residente ng lalawigan ng Basilan ng kanyang dating kasintahan at mga kasamahan nito.

Sa report ni Cotabato City Police Director P/Sr.Supt. Roberto Badian, na nakarating sa Camp Crame, nakatayo umano ang biktima sa Zenaida Subdivision ng puwersahang kaladkarin ng mga suspek at pilit na isinakay sa isang kotse (TFP 301).

Subalit naaktuhan ng mga pulis ang pagdukot sa biktima kaya nagkaroon ng habulan sa pagitan ng mga ito ng mga suspek.

Hinala ng pulisya, dahil sa takot na maabutan ng mga pulis o sa sobrang galit ng mga suspek sa biktima ay sinaksak ito at inihulog sa kotse.

Naisugod pa si Giwan sa Cotabato Regional and Medical Center, ngunit binawian rin ito ng buhay.

Agad namang nagsagawa ng follow operation ang mga tauhan ng Cotabato City PNP at nadakip sina Michael Jocolano at Latty Abangan na siyang itinuturong sapilitang kumuha kay Giwan.

Ayon kay Badian, lumalabas na dating boyfriend ni Giwan ang isa sa nahuli.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply