Bebot dinukot, pinatay

NAGSASAGAWA na ngayon ng malawakang manhunt operation ang Cotobato City police kaugnay sa mga suspek na dumukot at pumatay sa isang babae kagabi, Setyembre 12, sa lungsod ng Cotobato.

Sa kasalukuyan tini-trace na ng mga awtoridad ang nakuhang plaka ng sasakayang TFP-301 sa tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) upang matukoy ang may-ari ng sasakyang ginamit ng mga suspek.

Batay sa ulat Cotabato City Police Director S/Supt. Roberto Badian, ang biktima na kinilalang si Samirah Giwan, residente ng lalawigan ng Basilan na dinukot ng ‘di kilalang suspek sa lungsod ng  Cotabato dakong alas-8:40 kagabi.

Nabatid sa ulat na ang biktima ay nakatayo sa Zenaida Subdivision nang kaladkarin ng mga suspek at pilit na isinakay sa isang kotse na may plakang TFP-301.

Habang tumatakbo ang sasakyan namataan ito ng mga pulis kaya hinabol ang mga suspek.

Dahil sa takot ng mga kidnappers na maabutan ng mga humahabol na awtoridad, sinaksak at inihulog ang biktima sa kotse. Naisugod pa ang biktima sa Cotabato Regional and Medical Center ngunit binawian ito ng buhay.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang pangyayari at tinutugis na ang mga suspek. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply