Bebot na asset ng pulis pinatay

PATAY ang isang babae na sinasabing asset ng pulis matapos pasukin at barilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang ang una ay natutulog sa inuupahang kuwarto sa Malabon City kagabi (Setyembre 21).

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa kanang mata si Marilyn Cellon, 41, ng Hito St., Longos ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong 10:30 ng gabi, natutulog ang biktima kasama ang isang babaing kaibigan sa inuupahan kuwarto nang pasukin at barilin ng salarin.

Matapos ang insidente ay tumakas ang salarin at iniwang walang buhay ang biktima.

Inaalam na ng mga pulis kung may kinalalaman sa pagiging asset ng biktima ang motibo sa nasabing pamamaril.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply