Bebot na kidnapper natimbog

DAKIP ang bebot na sinasabing tumangay sa isang-taon gulang na batang babae na anak ng negosyante sa loob Ever Gotesco Grand Central sa Caloocan City, kagabi (Setyembre 23).

Nakilala ang suspek na si Monica Briones, 18 ng Luwalhati St., Baesa ng lungsod.

Inaalam na ng mga pulis kung saan dinala ng suspek ang biktima na si Sharica, taga-Pasay City.

Sa rekord ng pulisya, dakong alas-12 ng tanghali noong Setyembre 15, 2011, iniwan sandali ni Abdulbaki Saraji, 30, sa stroller ang anak sa Tom’s World of Entertainment sa 3rd floor ng naturang mall upang bumili ng token sa ride.

Nang balikan ay wala na ang bata at stroller na lang ang naiwan.

Agad na ini-report ni Saraji ang naganap sa pulisya.

Nang review-hin ang closed circuit television (CCTV) camera ng mall ay nakita si Briones na tinangay ang bata na pinatunayan rin ng isang testigo na lumutang at sinabing karga ng suspek ang bata at dali-daling bumaba sa escalator.

Dakong alas-6 din kagabi ay namataan ang suspek sa loob ng nasabing mall at nang maispatan ng mga guwardiya ay agad na dinamba at dinala sa presinto ngunit wala ang bata.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply