Bebot patay sa 2 kasama sa Malabon

TIGOK ang hindi pa kilalang seksing bebot matapos barilin ng isa sa dalawang hindi nakilalang kasama nang magtalo sa Malabon City, Biyernes ng madaling araw, Setyembre 2.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang nasa edad 15 hanggang 18, 5 feet ang taas, nakasuot ng tubeless at may tattoo sa likod na Tribal at Macklyn.

Sa ulat, dakong 3:45 ng madaling-araw, nakitang katalo ng biktima ang dalawang lalaki sa Martiniko St., Longos, nasabing lungsod.

Hanggang sa isa sa suspek ang bumunot ng baril at pinagbabaril ang biktima bago tumakas.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo sa pamamaslang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply