‘Beer bellies’ ng mga parak tatapyasin

HUMANDA na muli ang mga “bondat” o may malalaking tiyan na pulis o may ‘beer bellies’ dahil nagpahiwatig na kanina ang bagong Philippine National Police chief na si Deputy Director Nicanor Bartolome ng pagkakasa ng physical fitness program para sa lahat ng parak.

Sinabi ni Bartolome na sang-ayon siya sa mga obserbasyong hindi lang iilan kundi karamihan sa mga miyembro ng PNP, mapa-opisyal man ay nagsisilakihan ang mga tiyan.

“Napapansin ko rin yan. Meron akong moral ascendancy to say this because… ako nagsusumikap gampanan ang pagiging isang pulis sa pagkakaroon ng tamang pangangatawan,”pahayag ni Bartolome.

Matatandaang ipinatupad na rin noon ni dating PNP chief at ngayon ay Sen. Panfilo Lacson ang 34-inch limit para sa mga police personnel’s waistlines, kasabay nang pagpapatupad ng physical fitness regimen.

Ngunit ang ikinasang physical fitness regimen para sa kapulisan na ipinatupad  ni Lacson ay nabasura noong 2001 nang mapatalsik sa puwesto si dating Pangulong Joseph Estrada.

Nito lamang nakaraang Biyernes, pinalitan ni Bartolome bilang bagong hepe ng PNP si Director General Raul Bacalzo.

Nagsilbi si Bartolome bilang PNP spokesman noong si Lacson ang namuno sa PNP.

Sinabi rin  ni Bartolome na pamumunuan niya ang ehemplo sa pagbabalik ng physical fitness program ng PNP.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply