Benepisaryo ng CCT tatanggap ng libreng gamot

TATANGGAP ng libreng gamot mula sa Department of Health (DOH) ang mga benepisaryo ng Conditional Cash Transfer (CCT ) program bukod pa sa P1,400 monthly allowance.

Ito umano ay bahagi ng kampanya ng Department of Health na “DOH Complete Treatment Pack Program (DOH Compack).”

Ayon sa DOH, mabibiyayaan ang mga CCT beneficiaries ng kumpletong package ng generic medicines at ito ay good for one month.

Ang ipapamahaging gamot ay para sa sakit na diabetes, hypertension, diarrhea, pneumonia at iba pang common infections.

Sa kabila nito ipahihinto ng ng Commission on Elections (Comelec) ang implementasyon ng CCT program ng administrasyong Aquino sa 2013 midterm elections.

Binigyang-diin ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na labag sa Omnibus Election Code ang disbursement ng public funds habang election period. Tinukoy ni Brillantes ang nakasaad sa section 261 ng election code.

Sinabi ni Brillantes na sinuman ang lalabag dito ay mahaharap sa election offense at makukulong ng hanggang anim na taon ng walang probation at tatanggalan ng karapatang makaboto at makapagtrabaho sa public office. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply