Bentahan ng laman, usok (2)

SA gawi ng Visayas Avenue, Quirino Highway at Tandang Sora na nasasakupan ng Talipapa Police Station sa Quezon City, nagsulputang tila mga kabute ang mga night spot, maliit man o malaki.

Malalakas ang loob ng mga may-ari nito na gawing front ang club ng prostitusyon dahil na rin sa kanilang koneksyon sa mga pulis.

Sa madaling salita, may lagay silang lingguhan o weekly protection money bukod pa sa kilala nila si Tsip o si Sarge.

Sa maliliit na club, wala nang mga babaeng nagsasa-yaw ng hubo’t hubad. Pawang table-table na ang labanan at sa halagang kulang-kulang P500, maaaring gamitin na ng customer ang kanyang

napisil na babae. Wala nang pakiyeme-kiyeme.

Bunga nito, maraming lalaki ang nagkakasakit dahil bukod sa walang proteksyon ay hindi siguradong malinis ang mga babaeng ginamit nila sapagkat walang lisensiya ang mga ito, maging health permit at police clearance.

Sabi naman ng mga officer-in-charge (OIC) o kaya ay may-ari ng nasabing maliliit na club, may proteksyon ang mga babae nila.

Iyon nga lang, galing sa mga pulis o kaya’y kolektor ng station commander na kanilang nilalagyan ng lingguhang parating.

Alam mo ba ito, Supt. Carlito Feliciano?

Sa Culiat naman, mas lalong talamak daw ang bentahan ng droga sa panahon ngayon. Gaano katotoo na ang tulak dito ay mismong pulis?

Ang mga narere-cover umanong droga mula sa mga pusher ay nirerepake at ibinebenta. Sus naman, maging mabuting Kristiyano naman kayo!

May modus operandi pa raw ang mga pulis ng Talipapa Police Station na tinatarahan ang mga bigtime na tulak.

Kapag hindi umano nakapagbigay ng weekly protection money ang sinasabing tulak, tiyak na ipahuhuli ito. Mismong sa presinto ang

aregluhan? Oo naman daw, sabi ng source. Iyon nga lang, section 11 ng kasong paglabag sa Dangerous drug law o possession lang sa halip na section 5 o drug pushing.

Kaya naman para huwag na muling mahuli, balik na naman sa pagbibigay ng lingguhan ang tulak ng droga sa lugar.

Dapat makarating din ito sa kaalaman ni Chief Supt. George Regis, district director ng Quezon City Police District.

Sir, bawal naman ang sobrang bait. Puwede po bang mag-revamp o reshuffle ka ng mga opisyal mo sa QCPD? Marami kasing matatalino pero mas ma-rami ang matatalim.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply