Bentahan ng shabu sa Pasig grabe pa rin

WALA raw pakialam ang mga barangay tanod sa lantarang bentahan ng shabu sa Sabolanti 2, Pinagbuhatan, Pasig.

Ang lakas daw nang bentahan ng ‘tobats’ (shabu) pero wala raw alam dito ang mga barangay tanod.

Maging ang mga kapulisan ng Pasig ay walang mahuli dahil puro yabang lang ang mga ginagawa sa kanilang pagdyu-dyuti.

May nahuhuli naman ang mga pulis ng Pasig pero pag nabigyan sila ng pera wala pang isang oras ay pinauuwi na kaagad ang mga ito.

Anong klaseng mga  pulis ang mga ito? Sa halip na ikulong nila ang mga drug pusher sa nasabing lugar ay pinoproteksyunan pa nila ang mga ito.

Basahin natin ang nilalaman ng text message.

Sir Johnny, gusto ko lang isumbong yung dito sa Pasig, sa Sabolanti 2, Pinagbuhatan. Ang lakas po ng bentahan ng shabu sa nasabing lugar.

Walang pakialam ang mga barangay tanod ke makita nila na lantaran ang pagbebenta ng shabu ng mga pusher. Yung mga pulis na nakatalaga sa kanilang lungsod, ni isang  pusher ay walang nahuhuli.

Mayroon mang mahuli pero pag naglagay ang mga ito, wala pang isang oras ay nakalalaya na. Mukhang pera ang mga pulis dito sa Pasig. Kahit iligal ang mga umaareglo sa kanila ay pinakakawalan nila pag nagbigay sa kanila ng lagay.

HARI NG LOTENG SA BATANGAS

Sa Batangas ay isang alyas Pandoy ang nagpapakilalang malakas sa RSOG at ipinagmamalaking siya raw ang binigyan ng go-signal ng RSOG na hahawak ng kabuuang operasyon ng lotteng sa 1st district ng naturang lalawigan.

Super lakas daw sa mga kinauukulan ang nasabing operator kaya hindi masaling.

oOo

Anoman ang reklamo o puna,itext lang sa 0918-9274764, 09266719269 o email juandesabog @yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply