Beri gud sarbey ni PNoy at beri bad na mga balita

NAKAIINTRIGA ang paghahalo ng balat sa tinalupan sa mga balita natin mula kahapon hanggang ngayon.

Magkakasabay ang mga nakasusukang balita ukol sa matuwid na daan pero inihalo rito ang magandang balita umano ukol kay PNoy.

oOo

Tingnan natin ang mga balita.

Hindi naging kumbinsing para sa maraming drayber at operator ang mga pangako ni PNoy pabor sa mga ito sa isang miting na ginanap sa Palasyo kamakailan.

Paglabas ng mga drayber at operator sa Palasyo, may nag-anunsiyo ng welga sa buong bansa at sumabay rito ang karaban sa South Luzon Expressway laban sa EVAT sa toll.

Meron mang hindi sumama sa welga, nagpahayag naman ang mga ito ng pagsuporta sa mga welgista.

Lumabas din ang balitang lalong dumami ang walang trabaho at underemployed o kontraktuwal na kulang na kulang sa trabaho.

Milyones, Suki, ang bilang ng mga ito at naging saksi sa katotohanang walang gaanong nagagawa sina PNoy para magkaroon ng hanapbuhay ang malaking bahagi ng nasa 37 milyong obrero sa repablik ni Juan.

Kaya naman, yang lumayas at maging overseas Filipino worker na lang ang inaasahan ng mga obrero upang mabuhay nang matiwasay at magkaroon ng pag-asa sa buhay.

oOo

Ngayon nga ay sinasabi ng sarbey na nasa langit ang kumpiyansa ni Juan kay PNoy.

Totoo naman kaya ito?

Eh bakit ang daming gustong magwelga at parami pa nang parami ang bilang ng mga ito, huh?

Hindi kaya malamig lang na tubig ang sarbey na yan bilang pambuhos sa kumukulong dugo ng marami ukol sa kainutilan ng pamahalaan na tugunan ang pahirap nang pahirap na buhay-buhay ni Juan?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply