BFAR nais ni Revilla maging departamento

ISINUSULONG na sa Senado ang panukalang batas na naglalayong ihiwalay bilang ganap na departamento ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) mula sa ilalim ng Department of Agriculture (DA).

Sa harap na rin ito ng ulat na maraming uri ng isda at yamang dagat ang hindi nabibigyan ng sapat na proteksyon laban sa pang-aabuso.

Sa kanyang inihaing panukala, binigyang diin ni Senador Bong Revilla na dapat maging departamento na ang BFAR upang magkaroon ng sapat na kapangyarihan at pondo para maproteksyunan ang yamang dagat.

Binigyang diin ng senador na sa ganitong paraan maitama ang umano’y pagiging hindi patas ng gobyerno sa agrikultura at mabigyan na rin ng sapat na pansin ang kapakanan ng mga mangingisda at  maging ang yamang dagat.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply