BI balak ilipat sa Pasay

PINAG-AARALAN na ng Bureau of Immigration ang paglilipat ng punong tanggapan ng ahensya mula sa Intramuros, Maynila, patungong Diosdado Macapagal Avenue sa lungsod ng Pasay upang matugunan ang lumalaking bilang ng mga tao na nagtutungo sa ahensya.

Ayon kay BI Commissioner Ricardo David, maliit na ang gusali ng BI sa Intramuros kayat kailangan ng isang bago at mas malaking gusali na magdudulot ng mabilis at episyenteng serbisyo sa publiko.

Inatasan na ni David ang kanyang mga tauhan upang pag-aralan ang relocation project na kakailanganin ng malaking halaga ng pondo na dadaan sa Kongreso.

Ang gusali ay itatayo sa isang malaking bakanteng lote malapit sa SM Mall of Asia na nabili ng BI ilang taon na ang nakakaraan.

Pinangungunahan ni Associate Commissioner Siegfred Mison ang pag-aaral sa proyekto sa binabalak na gusali na ang magigiong disenyo ay nakabase sa bagong immigration law na nakabinbin ngayon sa Kongreso kung saan lilikha ng 3,000 empleyado ng immigration kumpara sa kasalukuyan nitong mga tauhan na nasa mahigit 1,000 lamang.

Inatasan na rin ni Mison ang mga division at section chiefs ng ahensya na magsumite ng listahan at bilang ng mga tauhan na kakailanganin base sa panukalang immigration act at ang mga gawain at workflow ng kanya-kanyang dibisyon.

Nagsimula ang ideya na pagkakaroon ng bagong tanggapan ng BI noong panahon na nakaupo pa sa ahensya ang dating BI commissioner at ngayon ay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na nagbalak na ilipat ang ahensya sa Bonifacio Global City sa Taguig. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply