2 BI executives kinasuhan ng sariling tauhan

NAGSAMPA ng kasong administratibo ang isang mataas na opisyal ng Bureau of Immigration laban kina Commissioner Ricardo David Jr. at Associate Commissioner Siegfred Mison dahil sa pag-demote at paglilipat sa opisyal sa isang mas mababang posisyon na lumalabag sa panuntunan ng civil service.

Sa kanyang salaysay, ipinahayag ni Atty. Felino Quirante Jr., Bureau of Immigration division chief, na humiling siya sa Department of Justice na patawan ng “disciplinary sanctions” sina David at Mison dahil sa panggigipit sa kanya, abuse of authority at misconduct.

Ayon kay Quirante, naging tampulan umano siya ng panunuya at panghihiya nang ihayag ang kanyang pagkakalipat sa tanggapan ng BI sa Makati City noong ipagdiwang ng ahensya ang anibersaryo nito noong Setyembre 3 sa kabila ng kanyang natanggap na “award” bilang “best division chief” sa Bureau of Immigration.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply