Biazon–Lim tandem sa BOC

MASUSUBUKAN si Army (retired) Gen. Danilo ‘Danny’ Lim sa bago nitong trabaho bilang bagong intelligence chief ng Bureau of Customs.

Pasan niya ang higanteng responsibilidad na iniatang sa kanyang balikat ng nagtalaga  sa kanyang si Pangulong Noynoy Aquino.

Kaya siya ang napili sa puwesto ay dahil naniniwala ang Pangulong Aquino sa kanyang kakayahan at galing sa pamumuno.

‘Di na natin kailangan pang magpaliwanag kung sino si Gen. Lim dahil batid ng sambayanan ang iniambag nito sa bayan.

Basta ang nalalaman ko at batid ng marami, ang nagretirong AFP general ay kilalang galit sa katiwalian sa gobyerno.

Ang korapsiyon ng mga nakaraang pamahalaan ang dahilan kung bakit ‘di yumabong ang kanyang military career’.

Kung ang mga kasabay sa Philippine Military Academy ay narating ang rurok ng tagumpay, kabaligtaran sa nangyari kay Gen. Lim.

Ito’y dahil si Gen. Lim ay sagabal sa kalokohan ng mga  nakaraang Pangulo. Nag-aaklas at nilalabanan niya ang mga ito.

Kaya, kahit magaling at tunay sa nagsisilbi, ‘di inabot ni Gen. Lim ang mataas na ranggo na katulad ng inabot ng ‘contemporaries’ niya.

Pero ‘di natutulog ang Poong Maykapal. Nasaan ngayon ang mga opisyal ng military na lumaban at kumutya kay Gen. Lim.

Kung sila’y laos na at ang ilan ay may kaso dahil sa pagbaluktot sa batas, si Gen. Lim ay nariyan pa rin, aktibo sa kinagisnang ugali.

Kung noon, siya ay kontrabida sa paningin ng gobyerno, ngayon naman ay bidang-bida sa paningin ni PNoy at ng taumbayan.

Tuloy ang laban, ‘di sa katiwalain sa Malakanyang at militar, kundi sa kalokohan sa pinakakorap na ahensya ng pamahalaan – ang BOC.

Sa BOC dadalhin ng retiradong heneral ang kinagiliwan ni Mang Juan na ‘tigas’ sa paglaban sa bumabaluktot ng batas.

Ika nga niya sa kanyang unang media interview, ‘di kids’ gloves ang sagot sa mga ogag diyan sa Aduana, kundi Pacquiao gloves.

Siguradong knock-out ang corrupt BOC officials at smugglers kung ‘di pa sila hihinto sa kanilang kalokohan.

Gen. Danny Lim, sir, good luck.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply