Biazon handang mawalan ng kaibigan

MALAMBOT lang ako tignan,pero huwag kayong magkamali,” ang tinuran ni bagong Customs Commissioner Rozzano Rufino”Ruffy” Biazon sa mga patutsada na mukha umanong madaling lapitan ang dating kongresista ng Muntinlupa.

Ayon kay Biazon, madali umano siyang lapitan at kausapin, huwag lang para humingi ng pabor sa mga iligal na gawain.

Magiging agresibo din umano ang commissioner sa mga taong gagamitin ang kanyang pangalan at mga mahal sa buhay upang maisakatuparan ang kanilang masasamang balak.

Handa rin umano si Biazon na mawalan ng mga kaibigan sa pagtupad ng kanyang tungkulin sa Bureau of Customs.

Kung may mawawala umano sa kanyang mga kaibigan ay tiyak na ito ang mga masasamang kaibigan.

“Kung tunay ko silang kaibigan ay hindi nila ako ipapahamak,” ani Biazon.

Kailangan din umanong proteksyonan ni Biazon ang kanyang mga malalapit na tauhan o staff dahil ayon sa dating commissioner na si Angelito Alvarez, kung hindi umano siya malalapitan ng mga smuggler ay ang mga malalapit na tauhan niya ang tutuksuhin ng mga tiwali at sisilawin sa kinang ng salapi.

Sinabihan umano ni Pangulong Benigno Aquino III si Biazon na walang “sacred cows” sa pagtupad ng kanyang tungkulin sa BOC.

“Kung mayroon dapat bigyan ng proteksyon ay kailangan umanong sa Pangulo sila makipag-usap dahil hindi kasama sa direktiba ng Pangulo ang pagbibigay proteksyon kaninuman,” dagdag ng bagong commissioner. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply