Biazon: Kamay na bakal gagamitin vs smuggling

GAGAMIT ng kamay na bakal si incoming Customs Commissioner Ruffy Biazon sa gagawin niyang pagtugis sa mga smugglers sa bansa.

“Malinaw sa akin iyong instructions ng Pangulo na i-implement natin ang batas,” ani Biazon. “Wala tayong sasantuhin.”

Dagdag pa ng bagong hepe ng Bureau of Customs (BoC): “Wala siyang sinabing protektahan mo si ganito, pangalagaan mo si ganoon. Ang ibig sabihin noon seryoso iyong Pangulo doon sa laban sa katiwalian sa loob ng Bureau of Customs at iyon ang utos niya sa akin.”

Sa pagsisimula nito ng panunungkulan sa Lunes, Setyembre 19, ay kaagad umanong kakausapin ni Biazon ang buong burukrasya ng BoC upang iparamdam kung ano ang direksyon ng kanyang liderato sa pagsugpo sa mga smuggler.

Pagkatapos nito aniya ay agad niyang rerebisahin ang performance ng mga empleyado ng ahensya upang malaman kung sino ang dapat tanggalin at kung sino ang dapat ilipat.

Nangako rin si Biazon na bibigyan niya ng promosyon ang mga karapat-dapat.

“Kung meron talagang meritorious diyan, bibigyan din natin sila ng reward,” aniya.

Rerebyuhin din umano niya ang systems and procedures sa loob ng BoC.

“Iyong loopholes ng mga sistema at ng mga procedures iyon iyong paraan para iyong mga gumagawa ng katiwalian ay maging matagumpay. So tatakpan natin iyong mga butas na iyon,” pahayag ni Biazon.

Tiniyak ni Biazon na hindi siya magpapadala sa mga taong lalapit sa kanya para gawing baluktot ang tuwid na daan.

“So sa atin po ang una nating gagawin diyan sa pag-protekta ng sarili, ay iyong transparency natin at accountability sa tao sa pamamagitan ng pagiging open sa communication,” aniya.

“Nine years po tayo sa Congress… sa tingin ko magagamit ko iyan sa pag-oversee ng buong ahensya. So I’m doing on that experience to do this job,” anito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply