Biazon sa mga tiwaling tauhan: ‘Pasensyahan tayo’

NAGBANTA ang bagong talagang hepe ng Bureau of Customs na si Ruffy Biazon, sa mga tiwaling tauhan ng ahensya sa pagsasabi ng “pasensyahan tayo,” sakaling mahuli ang mga ito sa mga nakagawian ng katiwalian.

Bukod sa mga tiwaling tauhan ng ahensya, sinabi rin ni Biazon na hahabulin din ng ahensya ang smugglers at pagbabayarin ng mga kaukulang buwis na nararapat sa pamahalaan.

Patuloy din na nakikipag-ugnayan ang bagong commissioner sa papalabas nang si Angelito Alvarez, ukol sa mga prayoridad ng kanyang tanggapan at ipagpapatuloy din nya ang mga programang naumpisahan na ni Alvarez na may magandang benepisyo sa ahensya.

Si Biazon ay pormal nang itinalaga ng Malakanyang kapalit ni Alvarez.

Bukas ay nakatakda ang turnover sa pagitan nina Biazon at Alvarez ngunit ayon kay Biazon, sa Lunes pa umano ang unang araw niya sa trabaho para sa maayos na working calendar.

Ani Biazon, hindi na iba sa kanya ang paglilingkod sa pamahalaan dahil dati siyang kongresista sa Muntinlupa. Ang kaibahan nga lamang ay hindi na niya kailangan magpanukala sa BOC, kungdi magdedesisyon na siya sa mga problema ng ahensya.

Pangunahing tungkulin niya ang pag-oversight sa ahensya, tingnan ang mga tanggapan sa loob niyon kung nagagampanan ang kanilang mga tungkulin.

Aminado naman si Biazon na kailangan pa niyang pag-aralan ang systems and procedure ng kanyang bagong tungkulin, subalit handa naman umano niya itong matutunan sa lalong madaling panahon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply