Biazon: Social networking sites gagamitin vs smuggling

NAIS din na gamitin ng bagong Customs Commisioner Ruffy Biazon ang mga networking site gaya ng Facebook at Twitter upang labanan ang smuggling sa bansa.

Naniniwala si Biazon na malaki ang maitutulong ng internet sa paghabol sa mga tiwali sa ahensya at sa mga smuggler sa bansa.

Samantala, ikinatuwa naman ni Biazon na si retired Army Gen. Danilo Lim ang itinalagang deputy commissioner for intelligence.

Aniya, malaki ang maitutulong ni Lim dahil kailangan aniya nila ng malakas na intelligence team para matukoy ang mga smuggler.

Inihayag din ni Biazon na bukas din siya sa ideya nang pagpapa-lifestyle check sa mga opisyal ng BoC at kailangan lamang ng koordinasyon sa kinauukulang ahensya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply