Bicol Express aarangkada na ngayong araw

AARANGAKADA ngayon (Lunes, Setyembre 5) ang biyahe ng Bicol Express matapos ang isang buwan na pagkakasuspinde nito.

Ayon kay Mr. Constancio Toledano, operations manager ng Philippine National Railways (PNR)-Naga, mamayang alas-6:30 ng gabi ay bibiyahe na ang tren mula Metro Manila patungong Bicol.

Natapos na umano nilang ayusin ang mga riles at gawin ang tulay sa Barangay Malagico, bayan ng Sipocot, Camarines Sur na mas naging moderno at konkreto na ito ngayon.

Kung maaalala, sa naturang lugar nagkaroon ng aberya ang biyahe ng tren nang gumuho ang lupa bunsod ng sunud-sunod na mga pag-ulan.

Maging ang ibang riles sa bayan ng Quezon at Laguna ay tuluyan tapos na rin umanong kumpunihin pang noong Agosto 12.

Samantala, umaasa naman si Toledano na ngayong magbabalik-biyahe na ang Bicol Express ay hindi na magkaroon ng anumang aberya lalo na’t dumdagsa na ang mga pumupunta sa lungsod ng Naga para sa Peñafrancia Festival.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply