BID Gabionza for all seasons, Lee ng Customs at PAGCOR

BAGYO sa daang matuwid ni Pang. Noynoy itong si Bureau of Immigration Intelligence Deputy Chief Jerome Gabionza.

Yan ang ibinubulong ng ating uzi makaraang makita nito na “for all seasons” ay nakapuwesto sa Immigration itong si Gabionza.

Noong panahon daw ni Comm. Verceles ay si Gabionza ang naghaharing uri basta’t usapin sa mga dayuhang Indian.

Noong panahon naman ni Comm. Domingo ay namayagpag ito sa NAIA sa tulong ni Atty. Kalaw na katiwala ni komisyoner.

Noong panahon ni Comm. Libanan ay sa Binondo naman ito naging hepe, kaya’t pahirap naman daw sa mga “mall” ang inabot ng mga dayuhang Chinese.

Ngayong kay PNoy na “matuwid daw na daan” ay napuwesto pa bilang deputy chief ng intelligence itong si Gabionza.

MATINONG TULISAN

Lahat naman ng masasama ay maaari pang maging mabuti. Sa madaling salita ay maaari pa itong magbagong buhay.

Pero sa tingin n’yo ba ay magbabago pa itong si Gabionza na matagal nang nananamasa ng sarap ng buhay?

Ang paniwala po ng ULTIMATUM ay…… Maaari pa!

Pero ang itatawag na natin sa kanya ay……Matinong Tulisan! HeHeHe

LAGAY LANG LUSOT KA NA SA ADUANA

Noong panahon ay kailangang maimpluwensiya kang tao bago ka makapaghanapbuhay sa aduana o mas kilala sa tawag na Bureau of Customs.

Pero ngayon ang importante ay may “panlagay” ka lang o pansuhol siguradong lulusot lahat ng kargamento mo kahit na droga.

DAYUHAN SA BOC

Bakit dayuhan na ang naghaharing uri ngayon sa BoC gaya nitong si Dennis Lee? Daang container kada linggo ang inilulusot nitong si Lee papasok ng bansa.

Lahat ng klase ng iligal ay ipinapasok nito. Unahin na natin ang mga regulated na kemikal na ginagamit sa paggawa ng iligal na droga.

Mga pagkaing hindi aprubado ng BFAD na gaya ng mga lumusot noon na may halong melamine, atbp.

PAMUNUAN NI COMM. BIAZON

Pilit na ipatutupad ni Comm. Ruffy Biazon ang kautusan ni PNoy na “matuwid na daan” sa loob ng Aduana.

Pero wala pa siyang isang linggo sa Aduana ay ginagasgas na ni Dennis Lee ang kanyang pangalan.

Kumalat kasi sa Chinese community na nakipagmiting daw si Comm. Biazon kay Dennis Lee sa Ayala Alabang.

SI COMM PA ANG NAKIUSAP

Ipinagmamalaki ni Lee na mismong si Comm. Biazon pa raw ang nakiusap sa kanya na magparating para madagdagan ang koleksiyon ng BoC.

Aba’y Gago! Maniniwala sana ang ULTIMATUM kung Filipino itong gagong Lee na ito. Pero halata naman na nagbibida lang ito para makuha ang simpatiya at tiwala ng mga importer sa bansa.

COMM., INGAT HO SA MGA KAUSAP

Bagama’t hindi naniniwala ang ULTIMATUM sa bulong ng ating uzi, isang payo lang ang maibibigay natin sa ating kaibigang si Comm. Ruffy Biazon. Mag-ingat po kayo sa inyong mga kausap d’yan sa loob ng Aduana, dahil karamihan d’yan ay pansariling interes lang ang mangingibabaw.

Gaya na lang n’yang si Dennis Lee, sino ho ba ang nagpakilala sa inyo r’yan?

Sinabi ba sa inyo na dayuhan yan at hindi Filipino?

Anong karapatan n’yang makipagtransaksyon sa pier kung hindi s’ya Pinoy?

Licensed broker din po ba yang si Lee kayat buong kapal ng mukhang kakalat-kalat d’yan sa loob ng Aduana?

Yan po ay ilan lang sa mga tanong na maaari n’yong ibato sa nagpakilala sa inyo kay Dennis Lee.

PALAKASAN SA PAGCOR

Ngayon mo makikita sa pamunuan ni PAGCOR Chair. Cristino Naguiat ang “matuwid na daan” na sinasabi ni PNoy.

Bakit? Hindi na raw kasi uso ang palakasan ngayon.

Kapag magaling ka at masipag ay mabibigyan ka na ng break para ma-promote o mapuwesto ng maganda.

Di gaya nung naunang administrasyon na kailangang landiin mo muna o sipsipan si Genuine bago ka mapapansin.

Kaya kayo PAGCOR Pit Manager Jesselton Sta. Maria at Pit Supervisor Gerardo Alfonso alyas Pocholo huwag na kayong mag-alala dahil siguradong tataas na puwesto ang  n’yo.

Kung dati ay sa second floor kayo, malamang sa fifth floor na kayo malipat.
Nyeee! Tumaas nga ang “puwesto!”

Alam n’yo, mga Bro, matagal nang nagsisilbi sa PAGCOR ang dalawang ito na talaga nga namang naging matapat sa kanilang tungkulin pero kahit sa pagtaas ng floor ay mukhang wala  pa silang natatanggap.

Chairman Naguiat, baka ho gusto n’yo namang i-promote yang dalawa kahit na sa fifth floor lang.

He!He!He!

UZI TEXT
Text ng mga UZIserong buwisit na sa sistema

COLORUM TRIKE SA MUNTI

Gud pm po. Pakibigyang-pansin po itong terminal ng tricycle dito sa Lakeview, katabi po ng city hall ng Muntinlupa. Napakaraming kolorum na tricycle at grabe ang lubak sa mismong terminal.. Hindi man lang pina-aayos ng may-ari ng terminal na si LUIS ARGANA. +63927328….

PARASITE SA CCT

Gud am, Sir Benny. ‘Di ako pabor sa Conditional Cash Transfer program ng Pangulong AQUINO. Sana gawin na lang Cash for Work para di magmukhang parasites ang mga mahirap ‘daw.’ Sana’y ipalinis nalang ang mga estero sa Metro Manila. Sa amin, kahit tapos na ang maturity date, puro sila pangako. +63929791…

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply