Bigas sa bansa hindi kakapusin– NFA

SA KABILA ng pananalasa ng bagyong Pedring tiniyak ngayon ni National Foord Authority (NFA) Administrator Angelito Banayo na hindi kakapusin ang supply ng bigas sa bansa.

Sa katunayan aniya ay may naka-stock pang 2.5 milyon metriko toneladang (MT) bigas ang bansa.

Dagdag pa ni Banayo, ang National Capital Region aniya ang may pinakamalaking supplier ng bigas na pitong milyong sako na sinundan ng regions 3, 2 at 5.

Sa ngayon umano ay nagkakahalaga ng P5 milyon lamang ang inisyal na sinirang bigas ng bagyo.

Kabilang sa nasira ay ang 1,500 na sako ng bigas na naka-stock sa Metro Food Complex Warehouse No. 5 sa Valenzuela at ang 200 bags naman sa Kingswood Warehouse sa Caloocan.

Samantala, batay naman sa isinumiteng report ni Agriculture Secretary Proceso J. Alcala, ang inisyal na pinsalang inabot ng palay ay umabot sa 39,175 metriko tonelada o 0.6 porsiyento lamang para sa produksiyon ng palay sa ika-apat na quarter na 6.5 milyon MT.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply