Bigas sa Japan may radiation

MAKARAAN ang pananalasa ng lindol at tsunami sa bansang Japan noong Marso 11, nakadiskubre sa naturang bansa ng radiation sa bigas.

Dahil dito, ipinag-utos ng farm ministry ang mahigpit na inspeksyon sa mga bigas na galing ng Fukushima.

Ayon sa ahensiya, nasa 500 becquerels per kilogram ang radioactive cesium sa bigas na galing sa Nihonmatsu City sa Fukushima.

Ipinag-utos din ng Farm Ministry na palawakin pa ang inspection spots kung saan 300 lugar na ngayon ang pinapasuri sa mataas na radiation level sa mga pananim.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply