Bikini sa Palawan beaches bawal na

UPANG mai-promote ang “wholesome tourism” sa Palawan, ipagbabawal na ang pagsusuot ng bikini sa mga beach ng lalawigan.

Ang Palawan ay isa sa mga pinakasikat at puntahing tourist spot sa bansa.

Ayon kay Puerto Princesa Bishop Pedro Arigo, marami sa mga turistang babae ang nakaugalian nang magsuot ng bikini sa mga dalampasigan ng dagat sa probinsya.

“Sa Palawan, maraming mga bumibisita na mga foreigner and then they will go sa mga beach na naka-bikini,” ayon kay Arigo.

Ngunit dahil sa nasabing pag-promote ng “wholesome tourism” ay nilalapitan ng mga opisyal ng barangay ang mga turistang nakasuot ng bikini ay sinasabihang hindi “acceptable” ang ganitong kasuotan.

“This is not part of our culture. Kaya for me, dapat talagang tutukan ito ng mga awtoridad. Ipatupad nila ang batas sa beach na yon,” aniya.

Ipinagmalaki din ni Arigo na walang casino, bentahan ng droga at prostitusyon sa Palawan.

“Healthy, wholeme eco-tourism at walang droga at walang casino,” ang paglalarawan ni Arigo sa lalawigan sa isag panayam ng church-run Radyo Veritas

Dagdag pa ng obispo: “Talagang dapat na i-promote na tourism sa atin ay talagang healthy wholesome tourism for them to see the beauty of the Philippines.”

Kaugnay nito, nanawagan din si Arigo sa mga awtoridad at lokal na opisyal sugpuin ang prostitusyon sa isla ng Boracay sa lalawigan ng Aklan.

Nagpahayag naman ng pagkadismaya si Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani sa ulat na naging “sex destination” ng mga dayuhan ang Pilipinas.

Ayon kay Bacani, ang problema sa prostitusyon sa bansa ay matagal nang sakit ng lipunan na bunga ng “consumer mentality” ng mga Filipino.

Upang kumita lamang umano ay hinuhubaran ng digdinad ang sarili at ipinagbibili ang katawan kapalit ng pera na pambili ng mga pangangailangan sa buhay.

Binigyang-diin ng obispo na napapanahon nang baguhin ang “eroticized culture” na umiiral sa Pilipinas na impluwensiya mula na rin sa mga banyaga.

Isang hamon din aniya ito sa Simbahang Katoliko upang lalo pang paigtingin ang pagtuturo at pagmulat ng moral values at kung paano pahalagahan ng isang indibidwal ang kanyang dignidad at sarili.

“Ang tao parang pinagbibili na. Christ united himself to every human being even though human person was not aware of it,” paglilinaw ni Bacani.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply