Bilang ng jobless na Pinoy lumobo

LALONG lumobo ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho sa bansa.

Base sa isinagawang labor force survey ng National Statistics Office (NSO) hanggang nitong Hulyo, 2011, 2.8 milyon ang itinaas sa mga Pinoy na walang trabaho sa kasalukuyang taon kumpara sa 2.7 milyon noong Hulyo, nakaraang taon.

Nabatid pa na 62 porsyento sa mga ito ay mga lalaki habang nasa 34 na porsyento naman ang mga babae.

Kalahati naman ng mga walang trabaho ay nasa edad 15 hanggang 24, kung saan 33 porsyento ang high school graduate habang 21 porsyento ang college undergraduate at 20 porsyento naman ang nakapagtapos ng kolehiyo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply