Bilang ng kaso ng leptospirosis sa Pangasinan tumaas

DUMAMI ang bilang ng kaso ng leptospirosis sa Pangasinan dahil sa mga pagbahang dinala ng ulan ng Bagyong Mina.

Ayon kay Region 1 Medical Center (R1MC) Director Dr. Michael Canto, sa 14 na kaso ng naturang sakit ngayong 2011, anim dito ay naitala nito lamang huling dalawang linggo kung saan dalawa na ang binawian ng buhay.

Patuloy naman ang panawagan ng Provincial Health Office sa mga mamamayan na iwasan ang baha o kung hindi man ay magsuot ng bota.

Pinayuhan na agad na kumonsulta sa doktor oras na maramdaman ang mga sintomas ng sakit tulad ng headache, pananakit ng kalamnan at tiyan, panginginig, diarrhea, skin rashes, pamumula ng mata at paninilaw ng balat.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply