Bilang ng nakaka-leptospirosis sa Pangasinan tumaas pa

LALONG tumaas pa ang bilang ng mga tinatamaan ng leptospirosis sa Pangasinan kasunod ng pagbaha na dulot ng bagyong ni “Mina.”

Nabatid na sa kasalukuyan ay tumaas na sa 14 katao ang nabiktima ng leptospirosis ngayong taon sa pangasinan kung saan anim ang  naitala ngayong dalawang linggo habang dalawa sa mga ito ang namatay.

Payo naman ng lokal na pamahalaan na umiwas sa baha o ugaliing magsuot ng bota bilang proteksyon. Ka-agad ding kumonsulta sa oras na maramdaman ang mga sintomas tulad ng pananakit ng kalamnan at tiyan, paninilaw ng balat, sakit sa ulo,  skin rashes at diarrhea.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply