Binatilyong nandaklot ng boobs, kalaboso

SWAK sa kulungan ang isang binatilyo matapos mandaklot ng dibdid ng dalagita na nakasalubong sa paglalakad sa Navotas, Linggo ng gabi, Setyembre 25.

Nahaharap sa kasong acts of lasciviousness in relation to child abuse si Jepoy Dela Cruz, 18, ng  Gov. Pascual St., Daanghari, nasabing lungsod.

Base sa ulat, dakong 10:45 ng gabi, naglalakad ang biktimang edad 14 sa A. Cruz st., Tangos nang makasalubong ang suspek at daklutin ang dibdib ng dalagita.

Dumiretso ang biktima sa mga pulis dahilan upang damputin ang suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply