Binay for president sa 2016, ok sa Malakanyang

WALANG problema sa Malakanyang kung balak ni Vice-President Jejomar Binay na tumakbo sa pagka-pangulo sa 2016.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office Secretary

Herminio Coloma na karapatan ng kahit sinuman ang sungkitin ang pinakamataas na posisyon sa bansa.

Naniniwala ang kalihim na handa si Binay sa laban kaya habang maaga ay nagpahayag na ito ng kanyang hangaring maging successor ni Pangulong Aquino sa oras na magtapos na ang termino sa 2016.

“My personal opinion, I am not speaking for the palace. In our system of government the vice president is the constitutional successor to the pres. When the people elect a vp, they consider that this person must be prepared  for the presidency. VP Binay’s announcement may be viewed as an act of reaffirming his preparedness for the position,” ang pahayag pa ni Coloma.

Nauna nang kinumpirma ni Binay na handa na siyang makipagsagupaan sa pagka-pangulo sa 2016 presidential elections.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply