Binay, Roxas at Revilla sa 2016 presidential race

BUKOD sa babantayan na ang bawat proyekto at aktibidad ni Vice President Jejomar Binay matapos itong maghayag ng pagtakbo sa pagka-presidente sa 2016 ay naniniwala ang oposisyon na walang masama o iligal sa maaagang pagpaparamdam nito.

Sa isang press conference, sinabi nina Minority Leader Edcel Lagman at Deputy Minority Leader Danilo Suarez na hindi maituturing na “early campaigning” ang ginawa ni Binay.

Naniniwala pa sina Lagman at Suarez na sina Binay at Transportation Secretary Mar Roxas ang mahigpit na magtutunggali sa pampanguluhang halalan sa 2016.

Subalit hindi anila dapat malingat sina Binay at Roxas dahil ang Lakas-Kampi-CMD ay merong “agimat” dahil ang presidente ng partido na si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. ay malakas ding contender sa pagka-pangulo.

Samantala, wala namang nasabi si Roxas sa pagdedeklara ni Binay ng intensyon na pagtakbo sa pagka-presidente kungdi “congrats and good luck.”

Sa isang ambush interview, sinabi ni Roxas na hindi niya iniisip ang posibilidad na sila ni Binay ang magpi-face-off sa 2016.

Dahil sa ngayon aniya ay nakatutok siya sa kanyang trabaho bilang kalihim ng Department of Transportation and Communications (DOTC).

Aminado rin si Roxas na marami pang dapat resolbahin sa nabanggit na kagawaran.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply