BIR, manhid sa kalbaryo ng masa – Recto

KINASTIGO ni Sen. Ralph Recto ang kawalan ng malasakit ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa kalbaryong dinadanas ng mahihirap nang ipagpilitan nitong patawan ang 12% value added tax (VAT) sa toll fees ngayong taon.

Ayon kay Recto, hindi pa nakakahulagpos ang mamamayan sa itinaas na singil sa toll fee sa South Luzon Expressway at iba pang expressway sa Luzon, pero tila manhid ang BIR sa kalbaryong dinadanas ng mahihirap sa panibagong singil na VAT.

Masama pa nito, ayon kay Recto, tinatakot pa ng BIR ang Toll Regulatory Board (TRB) na itutuloy ang pangongolekta ng buwis sa toll fee kahit magkaroon pa ng konsultasyon ang lupon.

Nanindigan ang senador na hindi dapat pinairal ng BIR ang pangongolekta ng VAT sa toll fee dahil hindi naman ito kasama sa hangarin ng mga mambabatas na gumawa ng VAT law may ilang taon na ang nakakaraan.

Sinabi pa ni Recto na nagmistulang nakatanggap ng bonus ang administrasyong Aquino sa pangongolekta ng panibagong buwis sa toll fees ngayong Oktubre kahit  hindi pa dumadating ang Kapaskuhan na tinaguriang Christmas Bonus.

Ayon kay Recto, bonus na maituturing ang VAT sa toll fees dahll hindi nama inaasahan ng obyerno na makakakolekta ng VAT sa toll operator ngayong taon kaya’t maituturing na dagdag kita ito sa administrasyon.

Ayon kay Recto, chairman ng senate committee on ways and means, hindi nakapaloob sa Budget of Expenditures and Sources of Financing (BESF) ng General  Appropriations Act (GAA) ang VAT revenue mula sa toll fee.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply