BIR tax experts under-fire

LABING-ANIM na tax experts ng Bureau of Internal Revenue ang ‘under-fire’ matapos makipagkutsaba na perahan ang 216 taxpayers sa mabilisang pagtatapos ng tax cases bilang bahagi ng sinasabing ‘pabaon system’ sa nagretiro nilang boss sa pamamagitan ng paggamit ng ilegal na TVN (tax verification notice) at LA’s (letter’s of authority).

Umangal din ang taxpayers mula sa Valenzuela City, Bulacan, at Caloocan City na inisyuhan naman ng MO (mission orders) ng SIB (special investigation branch) sa tinagurian nilang pangha-harass sa kanila sa isinasagawa nitong inventory at investigations.

Tanging ang mga taxpayer lamang ng Navotas/Malabon ang hindi nabulabog ng SIB dahil sa takot na isumbong sila ng asawa ng revenue district officer kay BIR Deputy Commissioner Estela Sales.

Una nang sumambulat na bago nagretiro ang isang RDO (revenue district officer) na nakatalaga sa Metro Manila ay mabilisan nitong tinapos at ginawang pera ang 176 tax cases na ginamitan ng TVN at 40 LA’s.

Kinutsaba umano ng nasabing RDO ang kanyang mga tax experts – tatlong group supervisors at 13 examiners-para mabilisang matapos ang tax cases upang maihabol bilang umano’y pabaon sa nag-retiro nilang boss.

Isinumite na ng humaliling OIC-RDO kay BIR Commissioner Kim Henares ang detalye at partisipasyon ng mga sangkot sa nasabing katiwalian.

Sinabi ng source na isang malalim na imbestigasyon ang iniutos ng BIR chief para mahabol at makasuhan ng anti-graft sa Office of the
Ombudsman ang mga sangkot sa nasabing anomalya.

Nakarating na rin sa BIR chief ang pagpalag ng mga taxpayers mula sa Bulacan, Valenzuela City at Caloocan City ukol sa umano’y panliligalig at pambubulabog ng SIB team gamit ang kanilang mission order at diumano’y tonotokahan ang mga taxpayers.

Itinuturing umano  na ang ginawa ng SIB team ay  isang uri ng hijacking of tax cases sa panig ng RDO’s. Nagkataon na secretary ni DepCom Sales ang asawa ng Navotas/Malabon RDO kaya hindi ito nabulabog at umano’y nakunan ng kaso.

Lumalabas na inaagawan diumano ng SIB team ng trabaho ang mga tauhan ng revenue district officers ng Bulacan North at East, Caloocan at Valenzuela. Ang sinasabing hijacking of tax cases ang sinasabing dahilan at ugat ng pagbagsak ng tax collections ng Valenzuela at Bulacan District Office. Tanging ang Caloocan City at Navotas/Malabon lamang ang nakakuha ng iniatang sa kanilang tax goal. Ang SIB ay walang itinakdang tax goal at mahigpit na ipinagbabawal sa kanila ni Commissioner Henares na makialam sa trabaho ng mga RDO’s. ERICK BALANE

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply