Bird watchers binalaan ng DOH

BINALAAN ng Department of Health (DOH) ang mga bird watcher sa Candaba Swamp sa Pampanga na mag-ingat sa posibleng dalang H5N1 o bird flu virus ng mga migratory bird na napapadpad doon.

Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, kailangan na magkaroon ng pag-iingat ang mga bird watcher para makaiwas sa avian flu virus na mayroon ang mga kalapit na bansa ng Pilipinas partikular na ang China at Vietnam.

Gayunman, nilinaw ni Ona na hindi naman pinagbabawalan ang mga tao na magtungo sa Candaba Swamp para panoorin ang mga ibon.

Patuloy naman ang Food and Agriculture Organization (FAO) ng United nations (UN) sa pagbibigay ng babala sa publiko na mag-ingat sa mas mabagsik at nakamamatay na mutant strain ng bird flu virus kahit na wala pang naitatalang kaso sa Pinas.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply