Blind items ng Juicy walang kagat sa madla

PARANG walang reaction ang Kapuso Network sa pambubuko (o alegasyon) ni Mo Twister kamakailan sa Juicy Express sa TV 5 na sa Palawan lang –at hindi sa Indonesia–kinukunan ang ipalalabas pa lang na latest edition ng Survivor Philippines.

Does that mean di naman naaapektohan ang credibility and viewership  ng GMA 7 ng kahit ano mang gawin ng TV 5 at sabihin ni DJ Mo?

Baka nga naman, di ba? Baka para sa Kapuso network, wala namang credibility si DJ Mo at wala namang impact sa madla ang ano mang ibulgar ng Juicy Express. Galing si Mo sa Kapuso Network, at nung bigla siyang lumipat sa TV 5, idinemanda siya ng GMA Network dahil may first option daw ang network na i-renew ang kontrata n’ya,  pero di na raw ito naghintay na sabihan siya officially na di na siya iri-renew. Pero wala nang balita tungkol sa demandang yun–which could mean hindi na interesado ang GMA 7 kay Mo, kaya nga nakakapamayagpag ito sa TV 5, kung saan co-host din siya sa Paparazzi tuwing Linggo ng tanghali.

Well, ano man ang feeling ng Kapuso Network towards TV 5 and Mo, nag-i-enjoy pa rin kaming manood ng midnight replay ng Juicy Express kahit na madalas ay di namin mahu -li kung sinu-sino yung mga ibina-blind item nila. Nung Miyerkules, may ibinlayn item sila na actress-singer na nagpi-pills daw, at may nag-text umano sa main host ng show na si Cristy Fermin na buntis daw ang isang sexy actress. Pati clues na ibinigay nila ay di namin mawatasan.

Halos very intimate kasi ang behavior ng mga host sa isa’t isa kaya nag-e-enjoy  kang panoorin ito sa hatinggabi. At halos informal ang pagho-host na ginagawa nila. May mga tuksuhan at biruan. May asaran. Hindi napipikon si Alex Gonzaga kahit na araw-araw ay kinakantyawan siya ni Cristy na makapagpapaunlad sa ekonomya ng bansa ang mga walang kwenta at walang latoy na mga “baon” n’yang balita at blind item. “Ang aming prinsesa ” ang tawag ni Cristy kay Alex.

Natutuwa rin kami sa pasayaw-sayaw na re-enactment nina Shalala, IC Mendosa, at Alex sa final blind item nila na “baon” ni Shalala.

***

May mga bumubulung sa amin na dapat daw ay si JC de Vera ang nakipagsuntukan kung kanino man sa kung saan para tumaas agad ang rating ng latest teleserye nito na Ang Utol Kong Hoodlum. Mukha raw kasing napakabait ni JC at napakadisente para maging convincing na hoodlum.

Bulong nga sa amin ni Deo Fajardo nung press conference para sa bagong TV 5 action series, ang linis-linis tingnan ni JC for a hoodlum. Si “Dikong” Deo rin ang nagdi- rek ng mga pelikula ng Utol Kong Hoodlum 1 and 2, at siya rin ang discoverer-mentor ni Robin Padilla na gumanap sa dalawang pelikulang yon. Bagama’t napaka-charming ni Robin, hindi siya astang pretty boy o boy-next-door. May hint of a hoodlum talaga ang itsura, kilos, at pananalita n’ya maski sa personal.

Pero sabi naman ni Topel Lee nung press-con, dinumihan naman daw nila si JC sa syu- ting nila. Si Topel ay isa sa dalawang direktor ng TV 5 remake ng Utol (yung isa pa ay ang beteranong si Argel Joseph). Dapat lang na medyo mukhang marumi at mahirap lang si JC sa TV version dahil hindi naman Pretty Boy Hoodlum ang titulo ng bagong serye.

Pero mukhang maganda naman ang TV5 adaptation dahil mabigat ang supporting cast nina JC at Jazmine Curtis-Smith. Pati nga ang award-winning actor na si Carlo Aqui- no ay nakasuporta rin dito bilang kakampi ni JC. Actually, sina Jay Manalo, Ramon Christopher, at Benjie Paras ang mga kontrabida sa serye.
May bading din sa Utol: si IC Mendoza, sa papel na best friend ng character na ginagampanan ni Jazmine. Di namin napanood yung dalawang pelikula kaya’t di namin alam kung may bading character du’n. Hindi naman namin naitanong kay Dikong Deo na napakatahimik na katabi namin nung kabuuan ng press conference na ginanap sa Bayanihan Center sa Pasig City kamakailan.

***

Sana kumikita ang Thelma para kahit paminsan-minsan ay mapatunayan ng Pinoy moviegoers na nakaka-appreciate din sila ng pelikulang hindi romansa at hindi sex ang ibinebenta…at hindi rin naman sampalan at sabunutan.
Magaganda ang early reviews sa Thelma, bukod pa sa naka-A ito sa Cinema Evaluation Board, pero dito sa ating bansa, di senyales ang magagandang reviews at mataas na rating na magiging box office hit ang pelikula. In short, magkaiba ang judgment at panlasa ng reviewers at madlang manonood.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply