Blue Eagles gustong walisin ang elimination

TATANGKAIN ng defending three-time champion Ateneo Blue Eagles ang pag-sweep sa elimination at awtomatikong finals seat kasama ang thrice-to-beat advantage sa 74th UAAP men’s basketball tournament sa pakikipagsagupaan nila sa National U Bulldogs bukas, Septyembre 3.

May 12-0 win-loss slate ang Eagles kung saan makakalaban nila ang Bulldogs, (4-7 baraha) sa ganap na 1:00 ng hapon sa Big Dome.

Nakuha ng Ateneo ang ika-12 panalo matapos nilang patakbuhin ang tanggal ng University of the Philippines Fighting Maroons, 73-58, noong Huwebes ng hapon, Setyembre 1.

“Right now we are just trying to concentrate on getting one more win to try to get close to our goal,” sabi ni Blue Eagles coach Norman Black.

Pakay naman ng Adamson U Falcons ang makakuha ng twice-to-beat advantage at manatiling nasa pangalawang puwesto.

Makakalaban ng Falcons sa alas-3:00 ng hapon ang umiinit at paumentong University of Santo Tomas Tigers.

Nailipad ng Falcons ang ika-siyam nilang panalo ng talunin nila ang University of the East Red Warriors, 76-57.

Nakasoga sa tersero puwesto ng team standings ang last year’s runner up Far Eastern University tamaraws na may 7-4 record habang may 6-5 karta ang Tigers.

Maghaharap ang Eagles at Falcons para sa kanilang huling laro sa second round eliminations ng season. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply