Blue Eagles nakahanda na sa 4-peat ambition

HABANG inaantabayan ng Ateneo Blue Eagles ang magiging resulta ng rubber match sa pagitan ng Far Eastern University Tamaraws at ng Adamson University Falcons na lalaruin sa Linggo ay patuloy sa pagbalangkas ang Katipunanbased collegiate team ng mga game plan para sa championship game nila sa UAAP season 74.

Pinalugmok ng Blue Eagles ang University of Santo Tomas Growling Tigers sa iskor na 69-66 na sinundan ng pagpapabagsak ng Tamaraws sa No. 2 team na Adamson Falcons, 59-49.

Ang dalawang prize-catch ni coach Norman Black na sina Greg Slaughter at Keifer Ravena na bumuslo ng 17 at 13, ayon sa pagkakasunod na dinagdagan ng point-maker na si Nico Salba ng 12 puntos ay nagbida ng panalo sa finalist na Blue Eagles.

Binigo ng Tamaraws ang Falcons sa pagbibida nina Terrence Romeo (19), Ryan Roose Gracia (16) at Chris Excimniano na bumuslo ng 8. Naunsyami si Falcon Top gunner Alex Nuyles sa kabila ng kanyang 20 points dahil sa mahigpit na depensa ng mga bataan ni coach Bert Flores na lumamang pa sa 3rd quarter sa 52-32 para tuluyang iwasiwas ang mga taga-San Marcelino player.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply