BOC probe tuloy pa rin kahit sibak na si Alvarez

HINDI paaawat ang mga kongresista sa pagbusisi sa nawawalang halos 2,000 container van na nakalusot sa Bureau of Customs (BoC).

Ito ay kahit nasibak na sa puwesto si Customs Commissioner Angelito Alvarez, na papalitan ni dating Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon simula sa Lunes.

Ayon kay Deputy Majority Leader at Valenzuela Rep. Magtanggol Gunigundo, ipupursige pa rin ng mga mambabatas ang pagsisisayat para mairekomenda ang kaukulang kaso laban sa mga tiwaling opisyal ng ahensya na sangkot sa nasabing anomalya.

Ani Gunigundo, kinukumpleto na lamang aniya nila ang mga ebidensya, dokumento at mga ulat upang umusad na ang kaso.

Pagkatapos aniya ng budget deliberations sa Kamara de Representantes ay muling itatakda ang mga susunod na pagdinig at ipatatawag na ang kanilang mga testigo laban sa talamak na smuggling sa loob ng ahensya.

Nauna rito ay tiniyak ni Biazon na magkakaroon ng rigodon sa mga district collector.

Tiniyak din nito na kakasuhan niya ang sinumang opisyal ng BoC na nagsamantala.

Nagpahayag din ito ng kahandaan na rebisahin ang sistema sa ahensya upang matiyak kung saan galing ang butas sa sistema na siyang pinag-uugatan ng katiwalian.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply