Bodega sa Aduana ayaw ipakita sa media

HINIHINALANG wala ng laman ang isang bodega na ipakikita sana umano sa mga mamahayag ng Bureau of Customs (BoC).

Nadismaya ang mga miyembro ng media nang hindi nila masilayan kung totoo ngang may nakaimbak na kumpiskadong mga pekeng produkto sa storage No. 159 ng Port of Manila.

Umano, milyun-milyong piso ang halaga ng mga nasabing kontrabando.

Hindi sumipot ang mga opisyal ng Bureau of Customs sa nasabing bodega at wala ring paliwanag na ibinigay sa mga mamahayag, na naghintay sa gitna ng init ng araw sa naka-iskedyul na media presentation.

Ilan sa mga haka-haka na lumutang ay wala nang laman ang bodega na hinihinalang naipuslit na palabas ng Customs at nasa mga tindahan na ng 168 sa Divisoria o kaya ay Baclaran.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply