Bokal ng Cavite inambus habang nagdya-jogging

POSIBLENG maapektuhan ang paningin ng isang board member ng Cavite matapos tamaan ng bala sa mukha nang pagbabarilin ng dalawang hindi nakikilalang armadong lalaki habang nagdya-jogging sa Imus town kaninang umaga (Huwebes, Setyembre 1), ayon sa ulat ng pulisya.

Sinabi ni Senior Supt. John Bulalacao, Cavite police director, ang biktimang si 3rd district Board member Digo Arguelles, ay isinugod sa ospital para isailalim sa isang CT scan.

Habang isinusulat ang balitang ito, hindi pa inilalabas ng mga doktor na tumitingin sa biktima ang medical bulletin para sa kondisyon ni Arguelles.

Ayon kay Cavite Governor Jonvic Remulla, nagtamo si Arguelles ng tama ng bala ng hindi pa malamang kalibre ng baril sa kaliwang bahagi ng mata nito at inaalam pa ng mga manggagamot kung maapektuhan ang kanyang paningin.

Sa ulat ng pulisya, nabatid na nagdya-jogging si Arguellesa dakong alas-6:30 ng umaga sa palibot ng Gold Commercial Complex sa Barangay Anabu 1A nang dalawang naka-motorsiklong lalaki ang biglang dumating at pinagbabaril ang una.

Ikinubli naman ng mga suspek ang kanilang pagkakakilanlan sa pamamagitan ng pagsuot ng full-face helmets, pahayag ni Bulalacao.

Hindi pa malaman ng pulisya kung ano ang motibo sa pagtatangka sa buhay ni Arguelles pero gayunman sinabi ni Remulla na wala itong kaugnayan sa pagiging pulitiko ng biktima.

Matino aniya si Digo at wala siyang nalalamang kaaway nito at wala ring natatapakang tao sa kanyang lugar, pahayag pa ng naturang gobernador.

Hinala naman ng pulisya na hired killers ang mga nagtangka sa buhay ni Arguelles dahil na rin sa istilo ng kanilang pamamaraan ng pag-atake sa kanilang biktima,

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply