‘Bread of salt’

ALAM ba ninyo na isa sa pinakasikat na tinapay sa Pilipinas ang pandesal (pan de sal). Ito ay isang tinapay na hugis biluhaba na mabibili sa mga bakery sa bawat kalye sa bansa.

Alam ba ninyo na ang ibig sabihin ng pan de sal? Literally, ang meaning ng pan de sal ay “bread of salt.”

Feature ang masarap na tinapay na ito sa short story ni N.V.M. Gonzales, isa sa sikat Filipino writer sa Litearature. Mismong “Bread of Salt” ang titulo ng nasabing short story ni Gonzales.

Marami ng nasulat tungkol sa bread of salt, dati-rati ito raw ay medyo maalat na ibig sabihin ng kanyang pangalan.

Ngunit para bumagay sa panlasa ng Pinoy, nag-evolve ang lasa nito mula sa medyo maalat-alat sa ngayon ay manamis-namis.

Mura lamang ang pan de sal, ito ay nabibili mula P1 (maliit) at P2 (malaki) sa mga normal na panaderya. Mabibili rin naman ang pan de sal sa mga sikat na pastry, cake and bake shops ngunit mas mahal lamang dahil sa bukod na mas pinasarap ay di hamak na mas malaki rin.

Oo nga pala mayroon na ring roving pan de sal di lang sa umaga bagkus hanggang hapon. Ang nagtitinda nito ay mayroong malaking styro box (upang mapanatili ang init ng pan de sal). Nakakabit ang box na ito sa likod ng basikleta (bicycle) at ang bisikleta ay may potpot sa harap (horn) para pantawag ng pansin ng mga taong mamimili. Pareho rin ang presyo nito sa bakery dahil ang pan de sal na inilalako ay galing din sa bakery.

Ayon sa ilang nasusulat tungkol sa pan de sal, ito raw ay nagsisilbing sukatan o isa sa basehan kapag bumababa ang ekonimiya. Kapag ito raw ay lumiit at mas tumamis at nagmahal, medyo mahina raw ang ating ekonomiya. Totoo man ito o hindi, Pinoy loves to eat pan de sal. Mayaman man o mahirap kahit na tinagurian pa itong tinapay ng masa.

Masarap kainin ang pan de sal kapareha ang mantikilya, margarine, peanut bautter, liverspread, jams, keso, cheese spread, mayonaise, chocolate spread at iba pa pang palaman. Swak din ito sa piniritong itlog, hotdog, ham, bacon, corned beef, sardinas at tuna.

Pero panalo ito kapag isinawsaw sa mainit na kape (black coffee) o iba pang mainit na inumin gay ng tsokolate. Kahit nga kahit na wala itong palaman ay pasok pa rin ito sa panlasa ng Pinoy.

Homemade pizza pandesal

SA AMING tahanan, mahilig kaming mag-imbento ng kung anu-ano. Maliit pa lang kasi ay mahilig na akong mag-eksperimento ng mga pagkain mula sa dessert hanggang ulam at maging pangmeryenda. Nasa elementarya pa lang ata ako noon.

Noong medyo nakaririwasa kami sa buhay, marami kaming almusal, may tinapay na may fried rice pa kaya madalas na maraming natitirang pandesal.

Iinitin mo lang naman ito sa oven at pwede ng pangmeryenda sa hapaon. Ngunit dahil may pera noon, hindi na napapansin ang pandesal. In short, umaabot siya kinabukasan at nanigas na. Ang nanay ko tuloy nanghihinayang at siyempre medyo nagagalit.

Minsan may hindi nagamit na spaghetti sauce sa bahay (mayroon atang handaan sa amin bago yun kaya may naiwang spaghetti sauce) at sakto may natirang pandesal. Naisp ko na pwedeng ipalaman o ipahid sa pan de sal ang ginisang spaghetti sauce (dahil masarap rin ang spaghetti sa pandesal).

Nagpaalam ako sa nanay ko na gagamitin ko ang spaghetti sauce, pumayag naman siya. Naghiwa ako ng sibuyas at green bell pepper. Ginisa ko ang sauce dito. Nilagyan ko lang ng konting asin, asukal at paminta.

Pinatikim ko sa kuya ko para alamin kung okey ang lasa, ang sabi niya lasang pizza. Kaya ang sumunod ay hiniwa ko ang pandesal sa gitna at gamit ang kutsara ay pinress (press) ko ito para lumapad at maging flat. Pinahiran ko ito ng sauce at sinuggest ng kuya ko na lagyan ko ng keso. Eh wala, kaya ayun bumili sila ng keso at sinamahan nila ng hotdog. Doon na nagsimula ang pizza pandesal namin sa bahay.

Ingredients
10 Pandesal
5 pirasong hotdog o ham o bacon
Pizza sauce medium pack (may nabibili ng pizza sauce ngayon, mas maganda ito para di kailangang timplahan)
Pineapple tidbits (pwedeng wala kung nagtitipid)
Pamintang durog
Cheddar cheese
Bell pepper (red o green)
Asin, asukal

Procedure
Ipirito ang hotdog (o ham o kaya ay bacon). Hiwain ito ng kwadrado at itabi. Kung may nabiling pizza sauce ay di na ito kailangan pang initin. Ilagay ito sa isang bowl at budburan ng paminta. Kung natatabangan ay lagyan ng konting asin at asukal.

Hatiin ang pandesal sa dalawa. I-flat sila gaya ng nabanggit sa itaas. Pahiran ng sauce ang lahat ng na-flat na pandesal. Pagkatapos ay lagyan ng hotdog ang bawat isa. Ilagay na rin ang bell pepper at pineaaple tid bits. Pahiran muli ang mga pandesal ng sauce sa ibabaw bago budburan ng keso (shredded/kinudkod). Ipasok sa oven (oven toaster o microwave) at i-set ng 5-10 minutes.

Mas mainam rin pala kung gagamit ng quick melt cheese. Pero ayos rin naman ang hindi dahil matutunaw rin ito sa oven.

Ang recipe na ito ay pwede rin sa ibang tinapay gaya ng tasty at monay.

Pag natunaw na ang cheese ay maaari na itong i-serve kapareha ng mainit na tsokolate o kaya ay fruit shake.

O di ba madali lang. Pinoy na Pinoy ang dating dahil sa pandesal. At makakakain ka pa ng pizza na sa ngayon ay super mahal na rin ang slice sa mga pizza parlor o food chain.

Pwede rin namang mag-imbento ng iba pang toppings na pasok sa inyong panlasa.

Bukod sa meryenda ang food trip na ito ay pwede ring pambaon ni bagets sa school.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply