Brgy. Capt. wanted sa pagpatay sa Cagayan

WANTED sa awtoridad ang isang punong barangay ng Fula sa Buguey, Cagayan na siyang itinuturong suspek sa pagbaril at pagpatay sa dating barangay kagawad.

Base sa pahayag ni S/Insp. Noel Abiva, hepe ng PNP Buguey, kinasuhan nila ng murder si Brgy. Capt. Gerlad Cabiza dahil akusado ito sa pagpatay kay ex-barangay kagawad Jaime Unciano noong Agosto 24.

Ayon pa kay Abiva, si Cabiza ang tinukoy ng mga testigo na bumaril sa biktima habang nakikipag-inuman sa kanyang mga kasamahang gumagawa ng bahay sa Brgy. Fula.

Patuloy naman na inaalam ng kapulisan ang motibo ng pamamaslang.

Si Unciano ay agad binawian ng buhay makaraang magtamo ng tama ng bala mula sa M16 armalite rifle.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply