Brgy. Kapitan, Treasurer itinumba sa Masbate

ISANG barangay kapitan at tresurer nito ang itinumba ng hindi nakilalang mga salarin sa Barangay Tuburan, Cawayan, Masbate.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Brgy. Chairman Jose Pepito, 45, at Perlito de Leon, kapwa residente ng Bryg. Liong, Cataingan, Masbate.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, pamamaslang lang ang pakay ng mga salarin dahil ang perang dala ng mga biktima na umaabot ng P191,000.00 ay hindi kinuha.

Nakuha sa pinangyarihan ang isang basyo at bala ng kalibre .45.

Tumakas umano ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo ayon sa salaysay ng mga saksi.

Inaalam ngayon ng pulisya ang motibo ng pagpaslang sa dalawang barangay opisyal.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply