Brillantes bigo na namang makalusot sa CA

MULING nabigo si Comelec Chairman Sixto Brillantes,Jr. na makalusot sa kumpirmasyon ng Commission on Appointments (CA).

Ito ang ika-apat na pagkakataon na isinalang si Brillantes at muling naipagpaliban ang kumpirmasyon ng appointment ni Brillantes.

Sa pagtalakay ng CA, ipinagpaliban ng bicameral body ang pagtalakay sa kaso ni Brillantes sa October 5.

Ito ay dahil nakasentro ang trabaho ng mga mambabatas na miyembro ng CA sa budget hearings.

Matatandaang  noong nakaraang Linggo, nabigo rin si Brillantes na makuha ang suporta ng CA sa kanyang appointment, matapos harangin ni Comelec law department director Atty. Ferdinand Rafanan.

Sa kanyang affidavit, inisa-isa ni Rafanan ang mga dahilan kung bakit hindi karapat-dapat na maging Comelec chairman si Brillantes.

Kabilang na rito ang umano’y paglabag sa Sec. 3 ng Anti-graft and Corrupt Practices Act (RA 3019), pagpabor sa mga sangkot sa kontrobersiyal na ballot secrecy folder scam at ang umano’y iligal na pagsibak sa kanya bilang Comelec legal department head.
Sa pahayag ni Brillantes, naiinip na siya kung patuloy bang haharangin ang kanyang kumpirmasyon o magbabalik na lamang siya sa pribadong sektor bilang.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply