Brillantes muling tinabla ng CA

TILA madidiskaril nang tuluyan ang kumpirmasyon ni Commission on Election (Comelec) Chairman Sixto Brillantes sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) sanhi ng kuwestiyonableng halagang nakatala sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Network (SALN).

Bukod dito, naghain pa ng hiwalay na oposisyon si Comelec Planning Director Atty. Ferinand Rafanan upang tutulan ang kumpirmasyon ng pagkakatalaga kay Brillantes bilang chairman ng Comelec.

Sa panayam matapos ang pagdinig ng CA, sinabi ni Sen. Franklin Drilon na inatasan si Brillantes ng komisyon na isumite ang kanyang Income Tax Return (ITR) sa nakalipas na limang taon simula 2010 upang matukoy kung saan nanggaling ang kinita nitong P15.8 milyon noong 2010.

Nais malaman ni Drilon kung paano kinita ni Brillantes ang P15.8 milyon sa SALN nito na nakatalang bilang “investments, deposits and other instruments.”

“I want to give him all the opportunity to explain to us where did he got the P15.8 million income that is why, we are asking his Income Tax Return for the last five years,” ayon kay Drilon.

Base naman sa pitong-pahinang sworn affidavit na inihain ni Rafanan, naglalaman ito ng mahabang paliwanag hinggil sa pitong dahilan kung bakit dapat ibasura ang kumpirmasyon ni Brillantes.

Aniya, nilabag umano ni Brillantes ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act nang pilitin nitong pagtakpan ang opisyal na sangkot sa Ballot Secrecy Folder Scam; Iniiwasang imbestigahan ang tunay na pangyayari kung bakit naantala ang Barangay Election noong October 25, 2010; pag-aamin na sinusuhulan niya ang mga komisyunado at abogado sa Law Department, ECAD at Commission secretariat;

Matagal na umano siyang ginigipit at pinipilit na makipagkompromiso sa kasong hawak nito, pinapaburan ang ilang opisyal na sangkot sa P690M Ballot Secrecy Folder Scam; may salungat na interes sa Comelec dahil dati itong election lawyer at illegal na pagpapatalsik sa kanya mula Agosto 15 hanggang Agosto 31, 2011.

Para naman kay Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, dapat pakinggan ng komisyon ang reklamong inihain ni Rafanan dahil tinanggap naman ng CA ang isinumite nitong affidavit.

“When you accept the opposition, normaly you should let the oppositor be heard before the deliberations in the committee,” ayon kay Cayetano.

Samantala, sa hiwalay na panayam, pinabulaanan naman ni Brillantes ang lahat ng paratang ni Rafanan kaya’t nakatakda nitong pag-aralan nang mabuti ang nilalaman ng kanyang affidavit.

“I am going to thoroughly read and study the documents. Kasinungalingan naman ang sinasabi ni Rafanan na yun,” ayon kay Brillantes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply