‘Broadband network project’ tiyaking transparent

NANINIWALA ang isang obispo ng simbahang Katolika na walang problema kung buhayin man ng Aquino administration ang kontrobersyal na national broadband network project na nahaluan ng anomalya noong nakaraang administrasyon.

Ayon kay Caloocan Bishop Deogracias Iñiguez, walang masama sa naturang proyekto kung magiging transparent ang implementasyon nito.

Inihayag pa ng obispo, chairman ng public affairs committee of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), kung makakatulong naman ang government broadband network (GBN) sa bansa at hindi mahahaluan ng korapsyon ay maaari itong isulong.

Ang broadband network project ay layong mapabilis ang ‘connectivity’ ng lahat ng mga ahensiya ng gobyerno.

Kinakailangan umano itong pondohan ng P800 million na malayo sa ginagastos ng pamahalaan sa internet connection.

Maaalala na noong 2007, nabunyag na lomobo ng $329 million ang national broadband network project dahil sa ipinataw na “patong” ng ilang government officials ayon na rin sa whistleblower ng NBN-ZTE scandal na si Joey De Venecia III.

Nilinaw naman ng Malacañang na hanggang pag-aaral pa lamang ang ginagawa ngayon ng gobyerno kaugnay sa kontrobersiyal na broadband network project.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply