Broadcaster timbog sa droga

NAARESTO ang isang FM brodkaster dahil umano sa pag-iingat ng ipinagbabawal na gamot nitong Linggo sa Dipolog City.

Kaugnay nito, mariin naman pinabulaanan ng suspek na si Genesis Ajero ang pag-iingat ng iligal na droga at sinabing itinanim lamang ng mga umarestong pulis sa kanya ang 16 na plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Naniniwala si Alejo na “politically sponsored” ang pag-aresto sa kanya dahil sa mayroon siyang ilang binabatikos na lider ng iba’t ibang grupo sa probinsya

Nabatid na si Alejo ang ikatlong miyembro ng media na naaresto na may kaugnayan sa pag-iingat ng droga sa Dipolog City. Ang lahat ay pawang mga kilalang kritiko ng Mayor Evelyn Uy, Rep, Rosendo Labadlabad at Dipolog police chief Reynaldo Maclang.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply