Bronchopneumonia ibinabala ng DOH

NAGBABALA ngayon (Biyernes, Setyembre 16) ang Department of Health (DOH) sa sakit na bronchopneumonia na itinuturing na mapanganib na sakit na ikinamamatay ng mga batang may edad limang taon pababa.

Ayon sa DOH, dumadami ang mga batang naka-confine sa iba’t ibang ospital dahil sa sakit na bronchopneumonia.

Sinabi ni Dr. Eric Tayag, tagapagsalita ng DOH, na dapat bantayan ang mga batang inuubo at sinisipon lalo na kung hirap na sila sa paghinga, may maingay o may halak ang paghinga at may nangingitim na mga labi.

Payo din ni Tayag na bilangin ang paghinga ng bata dahil kapag lumagpas na ito sa 40 bilang sa loob ng isang minuto, ay dapat nang dalhin sa ospital ang bata.

Paliwanag pa ni Tayag, naipapasa ang sakit na bronchopneumonia sa pamamagitan ng droplets kaya importanteng laging malinis ang mga kamay.

Dumarami aniya ang kaso nito tuwing malamig ang panahon gaya ng “ber” months.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply